Rachey..lil' miss artsy?...

Welcome to my rubbish memoir / photo station / quizilla advocate blogspot! wehehehe! eNj0y!!!

Friday, April 27, 2007

emo!



Nagising ka na ba ever tapos may
kakaibang feeling na parang kabado ka of something na di mo alam kung ano? Yung
feeling na parang Sunday night tapos kabado ka na may halong katams ksi pasokan
na ulit kinabukasan. Basta parang ganon e at nakakaheart burn. Ang hirap
i-explain lalo na through writing..this is NOT my forte. I can talk all day and
blab the night away pero moi writing? Haha!Di ko nga alam kung bakit ako
nagtatype ngayon. Siguro I just want to let it all out. I mean it’s really hard
for someone like me na super daldal to keep it inside. I have lots of friends
pero right now yung mga closest people sa life ko…yung people that I can really
share this weird, unfathomable(ano daw?! Haha)feeling..wala sila ngayon. Busy
with work. Nasa abroad. May QT with their significant others. Busy sa
kanya-kanyang buhay. Si andoy naman baliktad din time namin. Tulog ako gising
naman sha. Lech na trabaho yan e..hehe.Basta I just hate this feeling.I hate
the feeling of being scared of the future..of my future. Siguro naman di lang
sa kin nangyayari..i mean waking up in the morning or in my case, waking up
late in the afternoon, then tititig ka sa isang part ng room tapos marerealize
mo ang tagal mo na palang nakatunganga sa kawalan not knowing what you were
thinking before mapansin sarile mo. Ang gulo. Basta ganon. Ang dami kong gusto sa
buhay ko. I mean sa career life. Ang dami kong plans. Ang dami kong dreams and
aspirations. Pero I don’t know how to start. Parang takot ako na pag nag try na
kong subukan yung gusto ko baka mag-fail ako. I mean if I’m going to do
something that I really like, gusto ko ok lahat…which is impossible. Di naman
madali makarating sa taas. If you know what I mean. I know ang dami ko pang
hindi alam about life. Ang dami ko pang hindi na experience. I remember someone
once said…sanay daw ako mashado sa magandang buhay. Yung pinapamper. Yung
alaga. Wala daw mashado pinoproblema. kaya daw everytime na magkaron ng konting
problem hagulhol na ko. Well…siguro nga tama sha. Hindi rin talaga ako sanay
mag-isa. Imagine more than a year na kong graduate pero di ko pa nakukuha mga
credentials ko sa la salle…oo tinatamad akong bumalik dun especially after nung
digi cam incident pero ngayong bum na ko..i have all the time in the
world..pwedeng pwede na kong pumunta dun pero takot akong mag-isa. Haha. Ang kulit
ko. Ewan. Ganito ba talaga pag walang ginagawa??? Nagiging emo junkie?! Azars eh…hehe...whatever
reeze!





Tuesday, April 10, 2007

BLOGS IMPORTED!

my blogs are imported to my new multiply accountÜ just click --->>> www.rachey311.multiply.com

Sunday, April 08, 2007

college days

i miss college life..esp. mga prod...pag wala akong ginagawa (which is always..haha) i watch videos of our production..mga docu, short film, telecine, mtv, stage plays, avp's, at kung ano-ano pang makita kong nasa files ko at nasa mga mini dv's. i terribly miss THE crazzzy com43 (batch 2006) as well..grabe..kelan ko ba kyo makikitang lahat?! nakakamiss din mga 15 min. break, lunch, YB, cutting classes, may klase pero tumatakas para bumili ng food or mag-internet sa ers, tumambay sa kubo, rumampage sa hallways at rotonda, mag-away away dahil nagcacram na sa mga group presentation, pabibohan sa classroom at sa mga prof, gumawa ng mga excuses pag nabuking ng prof, magprepare pag may mga competition or kahit presentation sa jfh grounds or sa tanghalan, singilan ng pang-edit or pambili ng props at mini dv, at marami pang iba. hay. the only thing i don't miss e ang thesis days..ahaha! i'm pretty sure di lang ako nakaka-feel nun..haha! here are two of our products..



music video to for our media prod. its a comedy na may konting love thingy..hehe..corny pero laugh trip..thanks to downsouth (jahson,linuel,aaron) for the sound and lyricsÜ



this is an audio visual presentation for our photo journalism class..sinundan namin (moi, rhea reyes, and geoffrey fauni, my dear groupmates and fireworks display/coffee buddies) at dinocument yung dalawang batang magbestfriend na parating nasa tapat ng la salle at kumukuha ng mga bottles namin ng c2 or kung ano mang bottled drinks or mga karton sa mga basurahan at kung saan-saan tapos dinadala nila sa junk shop para ibenta...medyo cryer/toucher to (for moi). it made me realize how lucky i am at dapat maging thankful ako for all the blessings and graces HE has given me and my loved ones. thanks din to marlowe for making the presentation (for the music and all..)..salamat din sa laptopÜ


di naman complete post ko kung walang mga pictures..here are some production pictures (mga kulitan, pa-cute-an at kung ano-ano pa na pre or post or even during prod) including events na involve ako and shempre ang com43...



































































***teletech peeps...yung mga pictures natin last saturday kila ryan (my sissy's bday) next time ko na ipopost ayt?Ü

ciao!!!Ü